Paano nga ba mag trading sa Binance?

 


Tuturuan ko kayo ng basic trading sa Binance. Una explain ko muna kung ano ibig sabihin ng LIMIT at MARKET.


LIMIT


A limit order is an order that you place on the order book with a specific limit price. The limit price is determined by you. So when you place a limit order, the trade will only be executed if the market price reaches your limit price (or better). Therefore, you may use limit orders to buy at a lower price or to sell at a higher price than the current market price.

Example, ang presyo ng kamatis ngayon ay Php 5.00 per piraso, eh gusto kong bumili ng kamatis na ang presyo niya ay Php 2.00 per piraso. Pupunta ako ngayon sa BUY tapos LIMIT. I seset ko yung price ng Php 2.00 at yung amount if ilang piraso bibilhin ko. Kapag bumaba yung presyo ng kamatis ng Php 2.00 AUTOMATIC bibilhin yung ng Binance kasi yun ang LIMIT order na nilagay ko.

In short, ang LIMIT order ay automatic naka abang sa presyo na gusto mo. 


Same idea lang din nito yung sa BUY, scenario naman ngayon is gusto mong ibenta yung kamatis na nabili mo ng Php 2.00 sa halagang Php 10.00 per piraso. Ngayon pumunta ka sa SELL tapos LIMIT. I set mo yung price mo ng Php10.00 per piraso, kapag ang presyo ng kamatis ay tumaas ng Php 10.00 AUTOMATIC ibebenta nya yung nilagay mong SELL LIMIT order. Isipin mo walang hassle, set kalang ng price na gusto mo for buying at for selling, si Binance na bahala bumili o magbenta ng mga orders mo sa presyo na gusto mo.



MARKET


A market order is an order to quickly buy or sell at the best available current price. It needs liquidity to be filled, meaning that it is executed based on the limit orders that were previously placed on the order book. 

Ang ibig sabihin naman ng MARKET ay INSTANT niyang bibilhin o ibebenta yung kamatis mo sa value ng current market ngayon. Example, ang value ng kamatis ngayon ay Php 2.00, nag place ka ng BUY MARKET para bumili ng isang piras, automatic bibilhin ni Binance yung isang piraso ng kamatis sa halagang Php 2.00 kasi yun ang current price niya. 


Related Article

Same principle lang ito sa SELL MARKET, example may hawak kang dalawang kamatis at ang current value niya sa market ay Php 5.00. If gagamitin mo yung SELL MARKET para ibenta yung dalawang kamatis, nag kakahalaga lang siya ng Php 5.00 bawat piraso dahil ito ang current value sa MARKET. Hindi katulad ng LIMIT pwede mo siyang i set ng Php 10.00 para kapag ang presyo ng kamatis ay umabot ng Php 10.00 bawat piraso automatic ibebenta ni Binance yung kamatis mo sa halagang Php10.00


In short:
LIMIT - Pwede mo iset yung presyo ng gusto mo
MARKET - Hindi ka pwede mag set ng presyo, susundi mo yung presyo ng current na nasa market











0 Comments